Nakakamiss..
…ang Bazooka Bubble Gum at yung Bazooka Joe comics na paulit-ulit mong binabasa.
…bumili ng Sarsi sa tindahang malapit. “Pa-plastic na lang po”
…mag-watusi kahit lagi kang pinapaglitan ng nanay mo na delikado at nakakalason yun.
…magsuot ng LA Gear at British Knights.
…panoorin yung Coca-Cola commercial na may kantang “Holidays are coming, holidays are coming..”
…manood ng Valiente sa tanghali. Feeling mo sutil kang bata kasi dapat natutulog ka ng ganung oras
…tumawa sa mga jokes at sayaw nila Michael V, Ogie, Gelli at Carmina sa Tropang Trumpo. Chicken! Walang kupas ang Battle of the Brainless.
…bumili ng Snacku para makakuha ng laruan na kamay na dumidikit.
…mag-basketball sa pintuan ng classroom pag lunch.
…humiram ng pamaypay sa crush mo. Syempre tatabi ka sa kanya para paypayan din siya. Aasarin din at patatawanin.
…basahin lahat ng nakasulat sa pamaypay, ang mga pangalan at mga katabing numero.
…ang mga “Song Hits” na puro Eraserheads, Rivermaya, Teeth, Yano, True Faith, The Youth at Siakol ang laman.
…magbaon ng Coleman.
…si Fido Dido. It’s cool to be clear, 7UP!
…mag-baraha sa classroom pag ‘vacant’.
…maghipan ng bala ng Family Computer.
…maglaro ng Game & Watch.
…si Sean Chambers at John Best. Kung PBA fan ka, kilala mo sila.
…ang “Wanna see what happens in a bag of Nips?”
…si Ina Raymundo at yung ‘Sabado Nights’ jingle.
…tumambay sa Burger Machine.
…kantahin ang “What’s Up” ng 4 Non Blondes.
…magbaon ng lunch na ang ulam ay alin dito sa mga ‘to: tocino, longganisa, fried chicken, adobo, hotdog, corned beef, pritong galunggong o maling.
…umindak pag naririnig ang Macarena.
…magrewind ng cassette tape gamit ang lapis o bolpen.
…mag-backmask.
…manood ng Dragon Ball-Z at Beakman’s World sa RPN9.
…si Carla, yung may crush kay Carlo.
…ang Cattleya, Corona at Blue Feather notebooks. Pati na rin ang Panda, Zebra at Lotus ballpens.
…yung “No Father, it’s Coat Saver”
…si Noli ‘The Tank’ Locsin at si Vergel ‘The Aerial Voyager’ Meneses.
…maging Monday cleaners sa klase.
…makinig sa Kool 106 para abangan yung kantang Boombastic.
…yung mga seksing babae sa Pepsi commercials ni Jao Mapa.
…manood ng “Okay Ka Fairy Ko”, “Oki Doki Doc”, “Abangan ang Susunod na Kabanata”, “Palibhasa Lalake”, “Ober da Bakod”, at “Home Along Da Riles”.
Nakakamiss ang buhay noong 90s.
Ikaw, anong namimiss mo?
Isa sa mga paborito kong commercial noon










